音效
		
		
		界面
		
		
		
	难度等级
	
	
	
		口音
		
				
				界面语言
				
			 
			
			
			
			
		 
	 
	
	1
	
	
	
		
			
			
			
			
			
			和/或在社交方面支持我。网络:
			
			
		 
	
	
		
	
	
	
    Panahon
    
    
    Ako ay babangon ng babangon 'pag nadapa (yeah)  At hindi na basta magpapadala  Sa sasabihin ng mga makuda (wohh)  Tutuloy lang hanggang sa may mapala  'Wag mo nang isipin 'yung talo, dapat magawa mo 'yung plano  Hayaang matahin ka ng mga tao magtatanong na lang lahat 'yan  Kung pa'no mo ba nagawa 'yung mga 'di nila kaya na magawa  Na kahit sila 'yung unang natawa  Mga nangmaliit sa 'kin ay nabaling ang tingin  Nung makita nila 'yung binhi pataba nang pataba   Natural 'yung matutumba importante natututo ka  Manatiling nasa baba 'di ikaw kundi 'yung paa  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka   Sinubukan ko  Wala namang mawawala sa akin  At naniwala ako  Sa sarili at ako'y hindi rin  Nagpaapekto sa mga taong walang natulong sa akin  Naniniwala ako na kakayanin ko   Lahat kahit na mahirap  Tutuloy ko  Wala naman sa akin ang sumuko  Sila naman ang nagsabi na ako'y huminto  Kahit kailan 'di pumreno  'Di pa nga sapat ang naabot ko at  Wala nang dahilan pa para tumigil  Dahil nasimulan na ang tagumpay  At wala nang magpapahinga   Kahit na madami ang balakid na haharapin ko  Patuloy na magsasagwan patungo sa kalalagyan  Kahit na hindi ko pa man alam kung kailan darating 'to  Handa ako na masaktan  Sa kung anong kalabasan   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka   Napakarami ng pinagdaanang hirap  Umabot na sa puntong pawala na 'yung kutitap  Madami ang nagsabing 'di ko na mahahagilap  Liwanag sa pangarap papatay na kulisap  Mas maigi na iba na lang ang dapat kong gawin  Tila wala pang kalidad sabi ng mga magaling  Halos 'di ko na mabilang grabe nakaka-praning  Pupunta pa rin hanggang lahat ay aking marating  Na balang araw, maipamumukha sa kanila  Na 'di pwedeng maagaw ang sipag na dala-dala  Sa aking kada-hataw sagad kong minanipula  Kung mabigo hindi ako takot mag-umpisa  Hanggang makaisa uulit-ulitin  Na parang walang bukas kung iyong iisipin  Ganu'n ako mangarap at lumapat gagawin lahat  'Di para makipagbalitaktakan sa pailalim humatak   Natutunang aralin ang galaw, kalaunan uminit ang bitaw  Inisantabi ang mga galit sa iba mas mabuti nang yakapin ang pananaw  'Di na bago sa akin ang maligaw, gagawa ng paraan hanggang makatanaw  'Yung dati na sarado 'yung mata sa amin  Darating 'yung panahon lahat sila mapapa-wow   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka   Aminadong nawala sa hulog  At kadalasan ay hindi na makatulog  Hirap nang makabangon parang nakasukob  Kahit na anong gawin hindi na makasunog  At tila nilamig sa mahabang panahon  Lagi na lang bukambibig wala nang pagkakataon  Isip halos masaid kung pa'no maibabaon  Makatayo't makatawid tungo sa dako pa roon  Hanggang sa 'di ako sumuko  Ganu'n pala kapag madami ang dumuro  Sila-sila rin ang dahilan kung bakit lumakas  At higit sa lahat napakalabo nang gumuho  Nang aking nasimulan na isa ding galing sa wala  Pasasalamat lamang sa taas ang aking naging panimula  Tunay nga pala na kapag pinaghirapan  Matutupad lahat ng sinakripisyo mo't ginawa (uh)   'Di na gaya ng dati  Papunta at pabalik laging kulang pamasahe  Palaisipan ang pag-abante  Mga daanang matarik napakarami  Pero 'di ko sinukuan mas nilakasan ang pag-atake  Kung pa'no tumayo 'yun ang pinaka-importante  Sa buhay 'di kailangan ng marami pang detalye  Kung meron diskarte lahat ay mangyayari   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka   Panaho'y nanununtok, nais ka ma-agrabyado  Pero 'wag ka dapat hihinto, itaya na pati pato  Hanapin mo 'yung susi ng pinto, sadyang marami ang nanghihimasok  Pwede ring ituring 'yan na panauhin, pakitaan mo na lang ng asikaso  Kaya  Pilitin mo gawing mangha  Mga duda na pinamumukha  Panisin mo sa galaw na tila ba iwan sila  Habang dila mo ay niluluwa  Sa umpisa kailangan pagpawisan  Para ganahan ang diwa pati kaluluwa  Isagad mo pa laging tandaang 'pag hinihingal na  Du'n ka pa mas maraming maibubuga  Panahon ay paura-urada, 'pag lumipas na napapansin ang tulin  Kaya pangarap ay habulin mo na parang nalalapit ka na sa tinakdang palugit  Maiiwan ka lang kapag tumunganga, pwedeng tumigil ngunit bilang mapanuri  'Pagkat ang tanging oras ng pagtulala lang ay mga sandaling mag-iisip ka ng mabuti   Ayos lang kung mali may leksyon na tumanim  Talo man, magbawi, kondisyon at gumaling  Pagod may kapalit, komisyon ay kubrahin  Basta, ano man ang kolisyon na dumating, 'yung misyon ay tuparin   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka   Hayaan mo 'yung panahon manuntok  Basta 'wag na 'wag kang hihinto  Hanapin mo 'yung susi ng pinto  Payo ko lang 'wag kang titiklop  Ang gusto ko lang naman ipabatid ay ito  Ituloy mo lang hanggang sa may mapala ka  
 
完毕